Mas nagdagdagan ang mga naitalang volcanic earthquakes sa Bulkang Taal.
Ayon kay Phivolcs Supervising Science Research Specialist Wincelle Sevilla – ang kanilang taal volcanic seismic network ay nakapagtala ng aabot sa 787 volcanic earthquakes kahapon.
Mas mataas ito kumpara sa 366 na pagyanig noong Sabado.
Pero nilinaw ni Sevilla na ang mga pagyanig na nararamdaman mula sa bulkan ay patuloy na nababawasan.
Kasabay nito, patuloy na nagbubuga ang bulkan ng mga puti hanggang sa maabong usok mula 500 metro hanggang isang kilometro.
Ang inilalabas namang sulfur dioxide nito ay nananatili sa 1,442 tons kada araw.
Facebook Comments