Naitatalang Bagong Kaso ng COVID-19 sa Isabela, Bahagyang Tumaas

13

Cauayan City, Isabela- Bahagyang tumaas ang bilang ng naitalang bagong kaso ng COVID-19 ngayong araw, July 21, 2021 sa Lalawigan ng Isabela.

Sa pinakahuling datos na inilabas ng Department of Health (DPH) Region 2 as of 6:00am ngayong Miyerkules, 68 na bagong positibong kaso ang naitala ng probinsya; 41 ang bagong gumaling samantalang isa (1) ang naiulat na pasyenteng namatay.


Dahil dito, bahagyang sumipa sa 529 ang aktibong kaso sa probinsya; 26,635 ang kabuuang bilang ng gumaling habang umaabot naman sa 864 ang naitalang COVID-19 Related deaths.

Sa kasalukuyan, nasa 28,028 na ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 na naitala sa buong lalawigan ng Isabela.

Facebook Comments