Tumaaas ng 41 porsyento ang naitatalang bagong kaso ng COVID-19 sa Metro Manila.
Ayon sa OCTA Research group, simula Agosto 3 hanggang 9 ay nakapagtala ng 2,189 mula sa 1,553 noong nakaraang dalawang linggo.
Mayroon namang 15.67 average daily attack rate ang NCR habang 67% ang ICU utilization rate.
Sa buong bansa, naitala ang 23 porsyentong pagtaas ng COVID cases habang 8.14 ang ADAR at 65 porsyento ang ICU utilization rate.
Pinakamataas ang naitala sa Quezon City kung saan mayroong itong 25 porsyento kumpara sa nakaraang dalawang linggo.
Sinundan ito ng Cebu City na 18 porsyento ang itinaas habang 42 porsyento sa Maynila na sinundan ng Makati.
Bumaba naman ng negative 1% ang naitatalang bagong kaso sa Davao City.
Facebook Comments