Patuloy ang pagbaba ng naitatalang kaso ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR).
Ayon kay Chief Implementer of Government Response Against COVID-19 Secretary Carlito Galvez Jr., nai-stabilize na nila ang pagdami ng active case ng COVID-19 sa NCR kumpara noong Agosto na pumapalo sa 20,000.
Aniya, maliban sa NCR, bumaba na rin ang kaso sa Regions 3 at 4 pero nakitaan naman ng pagtaas ang mga lugar ng Baguio, Benguet at Mindanao.
Nagpasalamat naman si Galvez sa mga alkalde ng Metro Manila sa kanilang mga naging hakbang para mapababa ang kaso ng COVID-19 at sa patuloy na paglaban dito.
Sa kabila nito, nagpaalala si Galvez na huwag pa rin maging kumpiyansa lalo na ngayong paparating na ang Undas at Christmas Season dahil nasa palagid pa rin ang banta ng virus.
Suportado naman ni Galvez ang rekomendasyon ng Metro Manila Mayors na palawigin hanggang Disyembre ang general community quarantine sa NCR.