Bumaba pa ng dalawampu’t limang porsyento (25 percent) ang naitatalang kaso ng COVID-19 sa Metro Manila kada araw.
Ayon kay Dr. Guido David ng OCTA Research Group, batay sa pinakahuling ulat bumaba ang average daily cases sa Metro Manila sa 1,299 mula May 14 hanggang May 20.
Habang nasa 0.54 naman ang reproduction number sa Metro Manila na mas mababa kaysa sa naitalang 0.57 noong nakalipas na linggo.
Sa ngayon, paliwanag pa ng OCTA nasa moderate risk na ang siyam na Local Government Units (LGUs) sa Metro Manila.
Kinabibilangan ito ng Pasay, Muntinlupa, Taguig, Valenzuela, Malabon, Caloocan, Manila, at Quezon City.
Facebook Comments