Naitatalang krimen kada araw, bumaba ng 50%

57

Bumaba ng 50% ang naitatalang krimen kada araw ng Philippine National Police (PNP).


Base ito sa monitoring ng Joint Task Force COVID Shield sa loob ng 144 araw simula nang magsimula ang lockdown.

Ayon kay JTF COVID Shield Commander Police Lt. Gen. Guillermo Eleazar, nakatulong ang mga control points, curfew at police visibility efforts para bumaba ang krimen sa bansa.

Sa ngayon, 3,300 control points ang pinapagana habang nasa 63,000 mga pulis ang nakakalat sa buong bansa.

Facebook Comments