Naitatalang mataas na bagong kaso ng COVID-19 kada araw, mapapababa – health expert

Posibleng mapababa pa ang naitatalang mataas na kaso ng COVID-19 sa bansa kada araw.

Kasunod ito ng pagsampa kahapon sa 8,773 bagong kaso ng sakit na itinuturing na pinakamataas na naitala magmula nang isailalim ang bansa sa Community quarantine noong March 2020.

Ayon kay dating COVID-19 Task Force Adviser Tony Leachon, kung ipagpapatuloy ng pamahalaan ang pagbabakuna nang walang tigil sa loob ng tatlong buwan, ay matutulungan nito ang bansa na mapababa ang naitatalang bagong kaso.


Habang inihalimbawa rin ni Leachon ang naging diskarte ng Israel kung saan simula lang nitong Disyembre 2020 ay nasa 9 na milyon nang mamamayan ang nakatanggap ng bakuna na umani ng papuri mula sa international health experts at organizations.

Ang Israel din ang nananatiling may highest vaccination rate sa buong mundo kung saan ginagawa ang pagbabakuna kada araw sa loob ng buong linggo.

Sa ngayon, aabot lamang sa 1,525,600 doses ng bakuna ang mayroon sa Pilipinas na kulang pa rin para sa 1.7 milyong health workers na mabibigyan nito.

Facebook Comments