Naitatalang nasawi sa Bagyong Odette, umabot na sa 326 ayon sa NDRRMC

Umakyat na sa 326 ang bilang ng mga napaulat na nasawi dahil sa Bagyong Odette.

Ito ay batay sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Ang mga ito ay mula sa lalawigan ng Palawan, Iloilo, Guimaras, Negros Occidental, Cebu, Bohol, Negros Oriental, Bukidnon, Misamis Occidental at Oriental, Butuan City at Agusan del Sur.


Bukod dito, nakapagtala rin sila ng 659 napaulat na nasaktan at 54 na nawawala.

Samantala, ipinaliwanag naman ng NDRRMC na 14 pa lang sa naturang bilang ang kumpirmadong nasawi.

Bine-verify pa kasi nila kung may kinalaman sa bagyo ang pagkasawi ng iba.

Facebook Comments