Naitatalang pang-aabuso sa government resources sa panahon ng kampanya, kakaunti lang – LENTE

Umabot lang sa 28% ng community leaders ang nakakita ng pang-aabuso sa mga government resources sa panahon ng kampanya.

Batay sa isinagawang monitoring ng election watchdog na Legal Network for Truthful Elections (LENTE), 21.5 percent o 28 lamang sa 130 na voter respondents at 28 percent o 45 sa 161 na community leader ang nagsabing naobserbahan nila ang mga kandidato na gumagamit ng mga sasakyan o resources ng estado sa panahon ng pangangampanya.

Lumabas din na 93 percent o 66 sa 71 civil servants ang nagsabing alam nila ang mga legal na paghihigpit na ipinapataw sa mga manggagawa ng gobyerno na nagsasagawa ng mga campaign activities.


Sa mga kandidato at kanilang campaign staff, 17.3 percent lamang o apat sa 23 na mga respondent ang nagsabing sila ay may pantay na access sa mga institusyonal at financial resources.

Ang pang-aabuso sa state resources (ASR) ay isang partikular na klase ng political corruption kapag ang mga nanunungkulan na partido at mga kandidato ay minamanipula o maling ginagamit ang government resources para sa kalamangan sa elektoral.

Giit ng LENTE, mayroong apat na klaseng pang-aabuso sa state resources na kinabibilangan ng financial, institutional, regulatory, at coercive resources.

Facebook Comments