Naitulong ng gobyerno sa mga apektado ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon, umabot na sa mahigit ₱100-M

Tuloy ang pagbibigay ng tulong sa mga naapektuhan ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon.

Batay sa ulat ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Malacañang, aabot na sa ₱105 milyong halaga ng humanitarian assistance ang naipamahagi na sa mga apektado.

Ang mga ayudang ito ay mula sa DSWD, mga lokal na pamahalaan, non-government organizations at iba pang kawani.


Sa ngayon, nanatili pa sa 26 na evacuation centers sa Region 5 ang halos 10,000 pamilya.

Ang mga pamilyang ito ay patuloy na binibigyan ng ayuda.

Sa ulat pa ng DSWD sa Presidential Communications Office (PCO), mayroong ₱2 bilyong nakahandang halaga para sa iba pang emergency.

Facebook Comments