Tuloy ang pagbibigay ng tulong sa mga naapektuhan ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon.
Batay sa ulat ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Malacañang, aabot na sa ₱105 milyong halaga ng humanitarian assistance ang naipamahagi na sa mga apektado.
Ang mga ayudang ito ay mula sa DSWD, mga lokal na pamahalaan, non-government organizations at iba pang kawani.
Sa ngayon, nanatili pa sa 26 na evacuation centers sa Region 5 ang halos 10,000 pamilya.
Ang mga pamilyang ito ay patuloy na binibigyan ng ayuda.
Sa ulat pa ng DSWD sa Presidential Communications Office (PCO), mayroong ₱2 bilyong nakahandang halaga para sa iba pang emergency.
Facebook Comments