NAITUROK NA BAKUNA SA ILOCOS REGION UMABOT NA SA KALAHATING MILYON

Umabot na sa higit kalahating milyon ang bilang ng mga COVID-19 Vaccine na naiturok sa mga eligible group sa Ilocos region.

Ayon kay Dr. Rheuel Bobis, DOH-CHD1 Information Officer, umabot na sa 513, 302 na doses ng COVID-19 Vaccine ang naiturok mula A1-A4 eligible group.

Aabot sa 183, 225 na medical frontliners at ang kanilang pamilya maging ang mga OFWs na paalis ng bansa ang nabakunahan sa A1 priority group.


210, 304 sa senior citizens, 103, 498 sa ilalim ng A3 comorbidities at 16, 175 sa A4 priority group.

358, 587 ang nakatanggap ng first dose at 154, 615 ang fully vaccinated o nakatanggap ng kanilang doses ng bakuna.

Sinabi ni Bobis, na maituturing umanong milestone ang makapagbakuna ng higit kalahating milyon dito sa Ilocos Region.

Facebook Comments