Naiulat na adverse reactions matapos maturukan ng COVID-19 vaccine, umabot na sa halos 65,000

Umabot na sa halos 65,000 adverse reactions sa COVID-19 vaccine ang naitala ng pamahalaan.

Ayon kay Food and Drug Administration Director General Eric Domingo, kumakatawan lamang iro sa 0.15% ng 43.9 million ng naiturok na COVID-19 vaccine.

Sa nasabing bilang, 62,294 sa mga ito ay pinaniniwalaang non-serious events at 2,597 o katumbas lamang ng 0.0006% ang sinasabing serious adverse reactions o yung mga kinakailangang maospital dahil sa bakuna.


Pero giit ni Domingo, nananatiling nasa acceptable level pa rin ang mga ito at isa rin ang Pilipinas sa may pinakamataas na reporting ratings pagdaing sa Adverse Event Following Immunization (AEFI) reporting.

Sa huli, muling binigyang diin ni Domingo na ang lahat ng bakuna kontra COVID-19 ay makakapigil sa severe symptoms ng nasabing virus.

Facebook Comments