Naiulat na nasawi sa pananalasa ng Bagyong Maring, umabot na sa 30 ayon sa NDRRMC

44

Nadagdagan pa ang bilang ng mga kinukumpirmang nasawi dahil sa pananalasa ng Bagyong Maring.

Batay sa update ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC, 30 na ang napaulat na namatay dahil sa bagyo.


14 sa mga nasawi ang naitala sa Ilocos Sur, isa sa Pangasinan, dalawa sa Cagayan, apat sa Palawan at siyam sa Benguet.

Sa bilang na ito, 19 ang kumpirmado na ng NDRRMC.

Samantalang tatlo naman ang naitalang sugatan habang 11 ang missing at ngayon ay target ng search and rescue operation.

Facebook Comments