NAIUWI NA | Pagsalubong ng mga kaanak sa Iloilo sa labi ng Pinay OFW na isinilid sa freezer sa Kuwait, naging madamdamin

Manila, Philippines – Naiuwi na sa kanyang pamilya sa Iloilo ang labi ng OFW na pinatay ng kanyang amo sa Kuwait at isinilid sa freezer.

Naging madamdamin ang pagsalubong ng kaanak sa labi ni Joanna Daniela Demafelis nang lumapag ito sa Iloilo International Airport bandang 5:50 ng umaga.

Inihatid ang mga labi ng kaniyang mga kapatid at ni Overseas Workers Welfare Administration Administrator Hans Leo Cacdac, kasama si Deputy Administrator Arnell Ignacio at ilang opiyal mula sa Department of Foreign Affairs.


Suot ng mga kamag-anak ang OFW ang puting t-shirt na may nakasulat na “Justice for Joanna Demafelis” at dala-dala ang mga tarpaulin na may nakasulat na “Justice for Joanna”.

Napahagulgol ang mga kapatid at ina ni Joanna nang ibaba sa cargo area ang mga labi ng pinatay ng Pinay worker.

Matatandaang natagpuan ang labi ni Joanna sa loob ng freezer sa isang abandonadong apartment sa Kuwait.

Facebook Comments