Tinangay ng isang lalaki ang naiwang sling bag sa loob ng isang canteen sa San Jacinto, Pangasinan.
Sa salaysay ng biktima, naiwan umano ang sling bag ngunit wala na nang balikan ito.
Naglalaman ng mga identification cards, mini speaker at pera ang bag.
Nang tignan ang cctv footage, makikitang tinangay ng isang lalaki ang bag saka umalis sa kainan.
Agad naman na naaresto ang suspek at narekober ang mga ninakaw na gamit.
Inihahanda na ng pulisya ang kasong isasampa laban sa suspek. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Inihahanda na ng pulisya ang kasong isasampa laban sa suspek. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments







