NAKA-ALERTO | 40 banyagang terorista , nakapasok na umano sa bansa – AFP Western Mindanao Command

Manila, Philippines – Patuloy na bina-validate ng Armed Forces of the Philippine ang impormasyong nakapasok na bansa ang 40 banyagang terorista.

Ayon kay Western Mindanao Command Spokesperson Capt. Joan Petinglay ang report na ito ay nakarating sa Western Mindanao Command mula sa intelligence sources.

Kaya naman hindi nila ito isinasawalang bahala dahil mas mabuti na aniya ang naka-alerto at mag doble-ingat.


Sa ngayon aniya sa kabila na vina-validate na ang impormasyon , pinaghahanap na ng militar ang mga naturang banyagang terorista na hindi pa matukoy ang nationality.

Maaring aniyang dumaan ang mga terrorista sa karagatan dahil sa sobrang lawak ng maritime borders ng bansa.

Dagdag ni Petinglay, tinitignan ng mga awtoridad ang possibleng koneksyon ng 40 foreign fighters sa Isis leader na si Fehmi Lassqued na nahuli kamakailan sa Maynila kasama ang kanyang girlfriend na taga maguindanao.

Si Lasqued na umano’y nasa bansa bilang recruiter ng ISIS ay ilang ulit na naglabas-pasok sa bansa gamit ang pekeng Tunisian passport, bago ito naaresto.

Facebook Comments