Manila, Philippines – Halos 3-libong pamilya na o 12 libong indibidwal ang pinayagan nang makabalik sa kanilang tahanan sa mga lugar malapit sa bulkang Mayon sa Legazpi, Albay.
Kasabay nito ang pagsasara ng limang evacuation center sa Brgy. Mabinit, Padang, Matanag, Buyuan at Bonga sa Legazpi City.
Gayunman, sinabi ni DSWD OIC Emmanuel Leyco, kahit na nagsiuwian na ang ibang mga residente, patuloy ang ahensiya sa pagmo-monitor sa kanilang sitwasyon kasama na ang iba pang pamilya na nasa mga open evacuation centers.
Batay sa huling report mula sa DSWD-Disaster Response Assistance and Management Bureau , may natitira pang higit 6 na libong pamilya o 23,239 katao sa 27 evacuation centers sa munisipalidad ng Camalig, Daraga, Guinobatan, Malilipot, at Santo Domingo; at sa lungsod ng Ligao at Tabaco.
Habang 725 pamilya naman o 3,074 katao ang nasa labas ng evacuation centers o mga naninirahan sa kanilang mga kaanak at kaibigan.
Ayon pa kay Leyco, kahit na kumalma ang pag aaburoto ng bulkan dapat maging mapagmatyag at alerto ang mga residente at panatilihing nakamonitor sa mga anunsyo ng local na pamahalaan