NAKA-ALERTO | PNP at AFP, naghahanda sa kanilang opensiba

Manila, Philippines – Kasabay ng 49th founding anniversary ng Communist Party of the Philippines (CPP) sa December 26, 2017, pinaigting ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang opensiba.

Ayon sa PNP, naghahanda na ang kanilang tactical at maneuver units sa posibleng pag-atake ng komunistang grupo.

Inalerto na rin ng PNP ang lahat ng kanilang units na panatilihin ang kanilang pagiging vigilante laban sa CPP-NPA.


Magiging katuwang ng PNP ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa naturang paghahanda.

Una nang nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang proklamasyong nagdedeklara sa CPP at NPA bilang teroristang grupo.

Facebook Comments