MANILA – Suportado ng Philippine National Police (PNP) ang nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na magdeklara ng martial law.Ayon kay PNP Chief. Dir. Gen. Ronald Dela Rosa – sinabi nito na kahit may pag-aalinlangan ito na magdedeklara ng martial law, suportado pa rin nito ang desisyon ng Pangulo para sa bansa.Naniniwala si Bato na magdedeklara lamang si Duterte ng martial law kung wala nang pag-asa na masugpo ang droga sa bansa.Tiniyak din ni Dela Rosa na kanyang tututukan upang hindi maabuso, sakaling magdeklara ng martial law ang Pangulo.Kaugnay nito, ipinaliwanag ngayon ni Presidential Spokesman Ernesto Abella ang konteksto ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa posibilidad na pagdedeklara ng martial law.Ayon kay Abella – hindi intensyon ng Pangulo na magdekla ng martial law kundi ang prayoridad nito ay ang protektahan ang publiko.
Naka-Ambang Pagdedeklara Ng Martial Law Ni Pangulong Rodrigo Duterte, Suportado Ng Pnp – Malakanyang, Nilinaw Ang Intens
Facebook Comments