NAKA-MONITOR | Mahigit 20-libong pasahero sa iba’t-ibang pantalan, bumiyahe na – PCG

Manila, Philippines – Inihayag ngayon ng pamunuan ng Philippine Coast Guard na mahigit 20-libong pasahero bumiyahe na ngayon araw sa ibat ibang pantalan sa bansa.

Ayon kay PCG Spokesman Capt. Armand Balilo matapos ang ilang araw na nanalasa ang bagyong Urduja umaabot na sa kabuuang 20, 917 na pasahero ang bumiyahe ngayon araw.

Paliwanag ni Balilo nanatili silang naka-monitor sa mga pantalan kung saan dinadagsa ng mga pasaherong magsisipag uwian sa kani kanilang mga lalawigan upang doon salubungin ang pasko at bagong taon.


Dagdag ni Balilo ang Oplan Biyaheng Ayos krismas 2017 ay kanilang ipatutupad sa lahat ng biyaherong sasakyan pandagat upang masigurong ligtas ang kanilang paglalayag hanggang sila’y magsipagbalikan sa kanilang mga pinanggalingan.

Base sa monitoring ng PCG ang pinakamaraming pasaherong dumagsa sa mga pantalan ng Central Visayas na may 5,545 sinundan ito ng Southern Tagalog na may 4,408, Western Visayas 3,757, South Eastern Mindanao 500, Bicol Region na 1,178, Northen Mindanao 1,384,Eastern Visayas 2,277 at sa Southern Visatas ay may 1,918 pasahero ang dumagsa sa mga Pantalan.

Panawagan ng PCG sa mga pasahero na kung may reklamo o gustong isumbong i report sa Punong Tanggapan ng PCG tumawag o mag text sa number ‎09171243682 upang agad matugunan ang kanilang reklamo.

Facebook Comments