NAKA-MONITOR | QCPD, babantayan ang 560 graduates sa 6 na buwang drug rehabilitation program

Quezon City – Imo-monitor pa rin ng Quezon City Police District (QCPD) ang mga drug surrenderees na nagtapos sa anim na buwan na anti-drug abuse counselling ng Quezon City Anti-Drug Advisory Council na pinamumunuan ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte.

Ayon kay Quezon City Police Director Joselito Esquivel, batay sa kanilang monitoring may ilang drug dependent ang nagbabalik pa rin sa kanilang bisyo dahil sa environment nito.

Dahil dito, patuloy ang gagawin nilang pakikipag-usap sa QCADAAC para ang mga nagbalik bisyo ay muling sumailalim sa treatment program ng lokal na pamahalaan.


Ayon kay Esquivel, sa ngayon may 27 cleared barangay na ang Quezon City at umaasa ito na tataas pa sa susunod na taon.

Sinabi ni Belmonte na kasama sa modules ang tungkol sa usapin ng pamilya at spiritual program na may malaking ambag sa pagbabago ng mga surrenderees.

Facebook Comments