NAKA-MOVE ON NA? | Kakai Bautista at Ahron Villena, magkakasama sa isang pelikula

Manila, Philippines – Tiniyak ng komedyante at host na si Kakai Bautista na okay lang para sa kanya na makatrabaho ang actor na si Ahron Villena.

Ito ang pahayag ng 39-year-old na komedyana dahil sa isang pelikulang pagsasamahan nila.

Ayon kay Kakai, naka-move on na siya sa kung anumang nangyari noon at pabiro pang sinabing, pera talaga ang dahilan kaya niya tinanggap ang proyekto.


Matatandaang noong 2016, nagkaroon ng hidwaan ang dalawa na nagsimula nang binura ni Ahron ang kanilang mga pictures sa instagram.

Dahil dito, tila na-friendzone ng aktor ang komedyana habang sa isang press conference naman, naging maanghang naman ang pahayag ni Kakai kung saan nakwestyon ang kanyang pagkalalaki.

Pero bago matapos ang 2017 ay muli silang nakita sa social media na magkasama.

Isang romantic comedy ang pelikulang ginagawa nina Kakai at Ahron.

Facebook Comments