NAKA-SUPORTA | AFP, suportado ang nais nang Pangulo na kanselahin muna ang peace talks

Manila Philippines – Suportado ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kagustuhan ng Pangulong Rodrigo Duterte na bigyan ng sapat na panahon ang Public Consultation na may kinalaman sa nilalaman ng back channel talks.

Ito ay kaugnay sa desisyon ng gobyerno na ipagpaliban muna ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at Communist Party of the Philippines -New Peoples Army (CPP-NPA).

Ayon kay AFP Spokesperson Col Edgard Arevalo nais lamang ng Pangulo na maging katangap tangap sa publiko ang maging paguusap kaya pansamantala itong pinagpaliban


June 28 hanggang June 30 sana ang unang napagusapang petsa para sa panibagong peacetalks pero ipinagpaliban muna ito

Naniniwala aniya ang kanilang hanay na sa ganitong paraan ay mas makakamit ang matagal nang inaasam na pangmatagalang kapayapaan resulta ng pakikipagpulong at pag-aaral.

Sa ngayon aniya magpapatuloy ang Arm Forces of The Philippines (AFP), sa pagtupad ng kanilang sinumpaang tungkulin na pangalagaan ang publiko, siguruhin ang kapayapaan, at panatilihing buo at isa ang ating bayan

Facebook Comments