Manila, Philippines – Para kay Senate President Tito Sotto III, isang mabuting hakbang ang desisyon ni pangulong rodrigo duterte na dayalogo sa simbahang katoliko at iba pang religious groups.
Pahayag ito ni Sotto makaraang bumuo si Pangulong Duterte ng komite na makikipag-usap sa simbahan at iba pang religious groups kasunod ng kanyang kontrobersyal na pahayag na istupido ang Panginoon.
Para naman kay Senator Sherwin Gatchalian, ang hakbang ng Pangulo ay nagpapakita ng hangarin nito na magkaroon ng maayos na relasyon sa simbahan at samahan ng iba’t ibang relihiyon.
Umaasa si Gatchalian, na ang nabanggit na dayalogo ay magbubunga ng pag-iral ng respeto, kooperasyon at pagkakaunwaan sa pagitan ni Pangulong Duterte at mananampalataya ng iba’t ibang relihiyon.