NAKAALERTO | MPD – nakahanda na sa gagawing kilos protesta ng mga militanteng grupo kontra Train Law sa Maynila

Manila, Philippines – Nakaalerto na ang pamunuan ng Manila Police District sa ikinakasang kilos protesta ng grupong Bayan sa darating na biyernes laban sa umiiral na Train Law.

Ayon kay MPD Supt. Spokesman Supt. Erwin Margarejo nagsasagawa na sila ng Intel monitoring upang matukoy kung anu-anong grupo ang magsasagawa ng kilos protesta sa friday sa Mendiola bridge.

Una nang nagpahayag ang grupong Bayan na tuloy-tuloy na ang isinasagawa nilang kilos protesta upang ipanawagang tuluyan ng ibasura ang Train Law.


Ayon kay Bayan Secretary General Renato Reyes lubhang matindi na aniya ang pasakit sa taongbayan ang Train Law dahil nagtataasan ang mga pangunahing bilihin, pasahe, kuryente at ang linggo linggong nalamang ay nagtataasan ang presyo ng Petrolyo.

Paliwanag ni Reyes nais nilang iparating sa gobyerno na nakahanda sila sa ilulunsad nilang malawakang kilos protesta o tinawag nilang nilang Black Friday protest kontra Train Law sa ibat ibang lugar sa kalakhang Manila kung saan isasabay na rin nila ang kahilingan dagdag sahod sa mga manggagawa.

Facebook Comments