Manila, Philippines – Nakaalerto na ang mga istasyon ng Philippine Coast Guard partikular sa Northern at Central Luzon, para sa posibleng epekto ng inaasahang pagpasok sa bansa ng Typhoon Mangkhut.
Nagbaba na ng mandato si PCG Commandant Admiral Elson Hermogino sa mga Coast Guard District Commanders na tiyaking nakahanda na ang lahat ng kagamitan at tauhan ng kanilang hanay lalo na sa mga unang tatamaan ng Typhoon Mangkhut
Inatasan rin niya ang mga ito na panatilihin ang koordinasyon sa pagitan nila at ng NDRRMC para sa mga pinakahuling kaganapan, at mga kailangang respundehan.
Kaugnay nito, pinapayuhan rin ng Coast Guard ang publiko na makipagugnayan sa kanilang shipping companies para sa kanselasyon ng kanilang mga biyahe lalo na ang mga manggagaling at tutungo sa Northern Luzon, Southern Tagalog at mga kalapit na probinsya.
Inaasahang bukas (September 12), papasok sa bansa ang typhoon Ompong na may international name na Mangkhut.