Manila, Philippines – Hindi binabalewala ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang posibilidad na makapasok hindi lang sa Mindanao kundi sa ibang panig ng bansa ang ilang foreign terrorist.
Kaya naman ayon kay AFP Spokesperson Colonel Edgard Arevalo, mas mahigpit ang kanilang pagbabantay sa mga pantalan at paliparan upang mapigilan ang mga ito.
Mahigpit din aniya ang kanilang ugnayan sa mga international agencies at Local Government Units para dito.
Sinabi pa ni Arevalo na sa kasalukuyan, may umiiral na kasunduan sa pagitan ng Malaysia at Indonesia ito ay ang trilateral joint patrol agreements na malaki ang maitutulong sa pagpigil sa mga foreign terrorist na nagtatangkang pumasok sa bansa.
Sa huli ayon kay Arevalo, mahalaga pa rin ang pagiging mapagmasid, kooperasyon at active participation ng publiko para makatulog sa pagmonitor ng mga taong pumapasok sa bansa.