Manila, Philippines – Iginiit nina Senators Win Gatchalian at Koko Pimentel na hindi makatwiran, walang basehan, hindi makatao at tila pagnanakaw sa mga consumers ang planong 780-percent na pagtataas sa singil ng manila water.
Ayon kay Gatchalian, hindi ito dapat payagan ng government regulators dahil wala namang negosyo saan mang sulok ng mundo na tumutubo ng 780 percent.
Diin ni Gatchalian, hindi dapat publiko ang magpasan ng mabigat na multa na ipinataw ng Supreme Court (SC) sa Manila Water Co. dahil sa mga paglabag at kapalpakan nito.
Maling mali para kay Gatchalian, na gamiting hostage ng Manila Water ang mamamayan para pwersahin ang katataas-taasang hukuman na baligtarin ang desisyon nito.
Sabi naman ni Senator Pimentel, naghirap na ang mga consumers sa mahabang water interruptions ng Manila Water ay papahirapan pa sila ng napakalaking halaga o dagdag na P26.70 per cubic meter sa kanilang water bill.
Katwiran ni Pimentel, tanging ang water concessionaires lamang ang dapat magpasan ng kanilang penalty dahil ay pinapatakbo nilang ang kanilang negosyo sa paraang propesyunal, umaayon sa moralidad at mahigpit na sumusunod sa batas.