Kasado na ngayong linggo ang mararanasang bigtime oil price rollback ilang mga pangunahing produkto ng ginagamit na krudo.
Ayon sa pinakahuling estimates ng mga oil companies, naglalaro sa ₱2.90 hanggang ₱3.20 ang posibleng ibaba sa presyo sa kada litro ng Diesel samantalang may inaasahang tapyas na ₱2.00 hanggang ₱2.30 sa kada litro naman ng Kerosene.
Ang produktong Gasoline, bagamat katiting lamang ay maaaring may bawas pa rin na ₱0.50 hanggang ₱0.80 sa kada litro.
Ikinatuwa ng mga motorista sa Pangasinan ang malakihang bawas presyo sa mga krudo at umaaasang magpapatuloy pa raw ito sa mga susunod pang buwan.
Antabayanan ang official price adjustment ngayon, November 13 na magiging epektibo naman sa araw ng Martes, November 14 ngayong taon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments