Pinapakilos ng mga stakeholders ng industriya ng sardinas ang pamahalaan na magsagawa ng pagpupulong hinggil sa posibleng kakulangan ng suplay ng sardinas sa bansa.
Ayon kay Canned Sardines Association of the Philippines Executive Director Francisco Buencamino, dapat nang gumawa ng aksyon at mekanismo ang gobyerno para matiyak na magiging sapat ang suplay ng sardinas.
Isa aniya sa mga problema kaya nagiging kaunti ang suplay ng sardinas ay ang epekto ng climate change at limitasyon ng mga mangingisda sa karagatan.
Kasunod nito, iminungkahi ni Buencamino para masolusyunan ang nakaambang problema sa suplay ng sardinas sa bansa ay ang pagbuo ng kasunduan sa mga municipal fishers at paghingi ng approval mula sa mga local government unit (LGU) para mapayagang makapasok sa 10.1 kilometers mula sa dalampasigan ang mga mangingisda.