Quezon, City – Matapos ang isyu ng towing sa mga tricycle na naghahatid ng mga estudyante, muling nagkainitan ang lokal na pamahalaan ng Quezon City at ang Metro Manila Development Authority (MMDA).
Sa pagkakataong ito ay nag-ugat naman ito sa panghahatak ng MMDA sa mga sasakyan na nakaparada sa tabi ng kalsada sa kahabaan ng Maginhawa at Malingap Street na nagsisilbing food and tourism hub ng lungsod.
Ayon kay Vice Mayor Joy Belmonte, apektado na ang turismo sa food and culture tourism destination ng lungsod dahil sa madalas na paghatak sa mga sasakyan ng mga kliyente ng mga bahay kainan sa lugar.
Bumuo na ng position paper ang homeowners at business group sa MMDA na humihiling na walang mangyayaring towing hanggang at walang sapat na babala sa mga may-ari ng sasakyan.
Ito ay habang pinag-aaralan ng city council ang isang ordinansa na magtatakda ng sosolusyunan ang pag-regulate ng parking sa lugar.