NAKABABAHALA | Kasong ng HIV cases sa bansa, nakakaalarama na – DOH

Manila, Philippines – Aminado si Health Secretary Francisco Duque III na nakakaalarma na ang bilang ng mga biktima ng HIV cases kung ang pag uusapan ay increase rate dahil napakataas umano ang pag akyat na pumalo sa 140 percent kumpara sa mga karatig bansa.

Ayon kay Secretary Duque bagama’t tumaas ng 140 percent ang HIV cases ang Pilipinas pero bumaba naman ito kung ang pag uusapan ang bilang ng mga nabiktima ng naturang virus.

Paliwanag ng kalihim marami ng ginagawa ang DOH upang mapababa at mapabagal ang paglobo ng bilang ng mga nabibiktima ng HIV/AIDS sa bansa.


Dagdag pa ni Duque mahigit 52 libong biktima ng HIV cases ang naitala simula noong 1980 at 400 na ang nasawi pero ang Pilipinas ang pinakababa na bilang ng HIV cases kumpara sa ibang bansa gaya ng Vietnam,Cambodia at Thailand.

Giit ng kalihim kung walang programa ang DOH posibleng papalo sa 100 libong mga nabibiktima ng HIV cases ngayon taon pero malabong mangyayari ito dahil sa puspusang kampanya ng ahensiya para mapababaang bilang ng naturang virus.

Facebook Comments