NAKABALIK NA | 19 na undocumented OFW mula Kuwait, nakauwi na ng Pilipinas

Manila, Philippines – Nakauwi na sa pilipinas ang bagong batch o 19 na OFW mula Kuwait.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), ito ay mga undocumented Ofw na galing sa shelter na inihanda ng Embahada ng Pilipinas sa Gulf State.

30 OFW dapat ang orihinal na makakauwi pero 19 lang ang pinayagan dahil ang iba ay pinigilan sa immigration para sa dagdag na documentation.


Tiniyak ng dfa sa 19 repatriated OFWs na makakatanggap sila ng 5,000 pesos Financial Assistance sa gobyerno at libreng ticket pauwi sa kanilang mga probinsya.

Facebook Comments