NAKABALIK NA | Mahigit 3,000 undocumented OFW mula UAE, nakauwi na sa bansa

Manila, Philippines – Umabot na sa mahigit tatlong libong undocumented Overseas Filipino Worker ang na-repatriate mula sa United Arab Emirates simula buwan ng Agosto.

Kaninang umaga nang dumating sa bansa ang isa pang batch ng mga undocumented OFW mula abu dhabi na nag-avail ng amnesty program ng gulf state.

Sinalubong sila ng mga opisyal ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at nagbigay ng financial assistance sa mga ito.


Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni OWWA Deputy Administrator Atty. Brigido Dulay na karamihan sa mga na-repatriate na Pinoy ay nagpunta sa UAE lalo na sa Dubai, bilang mga turista.

Hinikayat naman ni Dulay ang mga undocumented OFW sa UAE na samantalahin na ang amnesty program dahil hanggang sa katupasan na lang Nobyermbre ito ipatutupad.
Nito lang November 12, nasa 200 OFW ang naiuwi sa bansa habang ayon sa Department of Foreign Affairs, nasa 4,500 mga Pinoy ang pinayagang makapagtrabaho nang legal sa UAE.

Facebook Comments