Nakabangga sa Baguio, Gustong Tumakbo!

Baguio City, Philippines – Araw ng Miyerkules bandang alas-once kinse ng gabi ng rumagasa ang isang USP 614 GSR LANCER.

Ayon sa mga saksi pumapara ang dalawang guro ng taxi ng biglang sumalpok ang lancer sa nasabing taxi na kung saan ang isang guro ay agad isinugod sa Pines Hospital.

Ang nasa litrato namang nakahiga ay kasamahan ng isang guro. Dahilan kung bakit hindi ito agad sinugod dahil na rin sa pag-aalalang baka lalong lumala ang fracture na natamo nito.


Kaugnay naman sa sakay ng lancer, dalawa ang sakay nito na nagtangkang tumakbo o tumakas ngunit dahil na rin sa dami ng tao sa pinangyarihan ng insedente ay nahabol at naharang ang driver ng nasabing sasakyan.

Ikaw bes,paanong mas magiging maingat sa kalsada?

Facebook Comments