Naka-monitor ngayon ang Philippine Coast Guard (PCG) sa sitwasyon ng epekto ng habagat lalo na sa bahagi ng gitnang Luzon.
Nauna ng nakataas ang alert status sa mga operatiba mula sa Coast Guard Ready Force, kasama na rito ang mga Medical Personnel, Rescue Team, Special Operation Force na narito sa Philippine Coast Guard Headquarters at sa mga nakatalaga sa Central Luzon lalo na Zambales at Bataan.
Sa paunang imporasyon mula sa Acting Spokesperson ng PCG Captain Gineto Basilio, 24-oras silang nakikipag-ugnayan sa NDRRMC para sa kakailangang pwersa na ide-deploy lalung-lalo na ang mga rescuer.
Inalerto narin ang mga search and rescue ships ng Philippine Coast Guard (PCG), kasama na rito ang mga bagong Multi-Role and Response Vessel ng Philippine Coast Guard (PCG) at inihanda narin ang mga rubber boats at aluminum hull speed boats na handang i-deploy o ipakalat sa mga maapektuhan ng mga pagbaha.