Nakabinbing promosyon ng 3rd level officers ng PNP, malapit nang maresolba

Matutuloy na ang promosyon ng 3rd level officers ng Philippine National Police (PNP) na matagal nang nakatengga.

Ito ang sinabi ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr., matapos makausap nang personal si Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Benhur Abalos hinggil dito.

Ayon kay Acorda, pinaliwanagan ni Abalos ang mga apektadong opisyal at tiniyak na personal niyang tutukan ang kanilang mga papeles.


Matatandaang una nang naantala ang promosyon ng humigit kumulang 100 koronel at heneral nang magsumite sila ng courtesy resignation na bahagi ng paglilinis sa hanay ng PNP.

Pangamba ng ilang mga opisyal na malapit nang magretiro, baka abutan na sila ng pagbabawal sa promosyon kung kulang na sa isang taon ang itatagal nila sa serbisyo.

Facebook Comments