Kaugnay sa naging pagdiriwang ng Labor Day ay muling nanawagan kay Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. si House Committee on Labor and Employment Chairman at Rizal 4th District Representative Fidel Nograles para sertipikahang urgent ang nakabinbing wage hike bill.

Nakapaloob sa panukalang nakahain sa Kamara ang ₱200 na increase sa sweldo ng minimum wage earners sa buong bansa.

Ayon kay Nograles, makatutulong ang certification ng pangulo sa naturang panukala bilang urgent para lumaki ang tiyansa na maipasa nila ito sa pagbabalik ng session sa Hunyo 2 hanggang 14 bago tuluyang magsara ang 19th Congress.

Diin ni Nograles, sakaling sertipikahang urgent ni PBBM ang wage hike bill ay magpapakita ito na isinaalang-alang ng pamahalaan ang kapakanan ng mga manggagawa.

Facebook Comments