Nakabiting rice importation ng National Food Authority, walang dahilan para ituloy pa ayon kay Agriculture Secretary Manny Piñol

Manila, Philippines – Walang nakikitang dahilan si Agriculture Secretary Manny Piñol na ituloy ang nakabiting rice importation ng National Food Authority.

Sinabi ni Piñol na mayroong maaaning palay ngayong buwan sa mga magsasaka kung kaya’t dapat muna itong bilhin ng NFA.

Paliwanag ng kalihim, walang dahilan para payagan ng NFA Council ang hinihinging 250,000 metric tons na gagawing buffer stocks ng bansa.


Sa pagtaya ni Piñol, malaki ang mabibiling aning palay sa mga local farmers ng bansa dahil wala namang malalaking bagyo ang dumaan sa nakalipas na ilang buwan lalo na sa Northern Luzon, Southern Luzon at Mindanao.

Una ng hiningi ni NFA Administrator Jason Aquino na aprubahan na ng NFA Council ang hinihingi nilang Government to Government Procurement ng bigas upang magkaroon ng buffer stock ang bansa upang mayroong agad mapagkukunang bigas kung kakailanganin.

Paliwanag ni Aquino, hindi lamang DSWD ang umaasa sa kanila ng bigas tuwing may kalamidad bagkus pati mga Local Government Unit.
Nation”, Rambo Labay

Facebook Comments