Nakadetinang ‘drug smuggler’ na pusa, nakawala sa kulungan sa Sri Lanka

469
PHOTO: AFP

COLOMBO, Sri Lanka — Nakatakas sa kulungan ang isang pusa na dinakip matapos ang umano’y tangkang pagpupuslit ng droga at cell phone SIM cards.

Nahuli ng jail intelligence officials ang pusa noong Sabado sa high security na Welikada Prison, ayon sa isang pulis sa ulat ng Agence France-Presse.


Halos dalawang gramo ng heroin, dalawang SIM card, at memory chip umano ang nakita sa plastic bag na nakatali sa leeg ng pusa.

Nitong Linggo nang makawala ang hayop sa pinaglagyang selda, ngunit walang agarang pahayag dito ang awtoridad.

Kamakailan, dumadalas umano ang insidente ng mga taong naghahagis ng droga, cell phone, at charger mula sa pader ng kulungan.

Maituturing na malaking problema ang droga sa Sri Lanka, kung saan maging ang ilang anti-narcotics detective umano rito ay nagbebenta rin ng mga nasabat na kontrabando.




Facebook Comments