NAKAGAT | Dalawa, sugatan matapos kagatin ng asong ulol sa Iloilo City

Iloilo City – Sugatan ang dalawang tao matapos kagatin ng nagwawalang asong ulol sa Barangay Tacas, Jaro, Iloilo City.

Sa ulat, unang kinagat ng aso sa sikmura si Emliy Alimaren habang nagtitinda ito ng gulay habang sa pisngi at bagang naman sinakmal si Rey Bido.

Nagtulong-tulong naman ang mga residente sa barangay upang mahuli ang nasabing aso at kanila itong pinatay.


Kasalukuyan naman ginagamot sa ospital sina Alimaren at Bido kung saan inaalam na kung sino ang may-ari ng aso.

Facebook Comments