NAKAHANDA | AFP, inihahanda na ang pagtatalaga ng mga sundalo sa BOC

Manila, Philippines – Nakahanda ang Armed Forces of the Philippines na magtalaga ng mga sundalo sa Bureau of Customs.

Ito ay kasunod ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na nais nitong mga sundalo na ang mangasiwa sa BOC dahil sa mga kontrobesryal na pagkakasangkot sa drug smuggling ng mga opisyal at tauhan nito.

Ayon kay AFP Spokesperson Brigadier General Edgard Arevalo ibibigay ng AFP ang pangangailang tauhan ng bagong talagang BOC Chief na si Dating General Rey Leonardo Guerrero.


Bagama’t wala pa aniyang hinihiling na eksaktong bilang ng mga sundalo ang BOC sinabi ni Arevalo na manggaling sa Philippine Army, Philippine Airforce Philippine Marines At Philippine Navy ang mga itatalaga sundalo sa BOC.

Hindi naman matukoy ni Arevalo kung gaano katagal mananatili sa BOC ang mga itatalagang sundalo.

Pero nilinaw niyang isa sa mandato ng AFP ay tumulong sa anumang ahensya ng gobyerno katulad ng BOC para sa kapakanan ng taong bayan.

Sa ngayon aniya nagpapasalamat sila sa pangulo dahil sa tiwala nito sa integridad at kapasidad ng militar.

Facebook Comments