NAKAHANDA | DFA, handang tulungan ang mga Pilipino sa Syria na gustong umuwi ng Pilipinas

Manila, Philippines – Nakahanda ang Department of Foreign Affairs (DFA) na tulungan ang mga miyembro ng Filipino community sa Syria na gustong umuwi ng Pilipinas.

Sa pahayag, sinabi ng DFA na patuloy nilang binabantayan ang sitwasyon sa Syria kasunod ng mga missile strikes na inilunsad ng Estados Unidos, United Kingdom at France.

Aabot sa 1,000 Pilipino ang nagtatrabaho at naninirahan sa Syria.


Magugunitang isinagawa ng US at kaalyado nitong bansa ang military strikes bilang pagkondena sa paggamit ng chemical weapons.

Facebook Comments