Ayon kay Social Security System (SSS) Senior Vice President at Chief Actuary Edgar Cruz – naglaan na sila ng 1.2 billion pesos unemployment benefits para sa ganitong mga kaganapan.
Makakatanggap ng 11,000 pesos average unemployment benefit at 20,000 pesos maximum cash benefit ang mga nawalan ng trabaho sa tourism, hotel at aviation sectors.
Ang unemployment benefit ay kapareho ng average monthly salary credit, na ibibigay sa loob ng dalawang buwan sakaling matanggal sa trabaho dahil sa redundancy, retrenchment, closure of operation, o dahil sa sakit.
Facebook Comments