NAKAHANDA NA | DOJ, tiniyak ang seguridad ni Benhur Luy sakaling kailanganin tumestigo sa kaso ni Napoles sa US

Nakahanda ang Department of Justice (DOJ) na bigyan ng seguridad si PDAF Scam Whistleblower Benhur Luy kung hihilingin ng US na magtestigo ito sa money laundering case ni Janet Lim Napoles sa Amerika

Kasunod na rin ito ng pag-amin ni Luy na nagpapadala nga sya ng pera mula sa pork barrel, sa US accounts noon ni Napoles.

Kung hihilingin man anya ng US ang tumestigo si Luy, dawalang senaryo ang nakikita nilang posibleng mangyari.


Maari kasing puntahan na lang ng US Prosecutors si Luy dito sa Pilipinas para kunan ng testimonya o di kaya ay paharapin sya mismo sa US para personal na tumestigo sa pagdinig.

Kapag nagpunta ang US Prosecutor dito sa bansa, dapat anyang kasama pa rin ang defense counsel ni Luy kapag kinuha ang kanyang statement.

Kapag pumayag naman anya si Luy na tumestigo ng personal sa US, ang DOJ ang titiyak ng kanyang seguridad patungo ng US at pabalik ng Pilipinas dahil nasa ilalim siya ng witness protection program ng DOJ.

Facebook Comments