Nakahanda na rin ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa magiging epektong bagyong Inday.
Pinanatili ng ahensya ang mas pinaigting na alert status sa mga lugar na apektado ng habagat.
Batay sa monitoring ng DSWD Disaster Response and Management Bureau, nadagdagan pa ang mga pamilya na apektado ng sama ng panahon.
Sa ngayon ay mayroon ng 40,253 families o 162, 007 katao ang apektado sa 194 barangays sa Regions III, VI, NCR, CALABARZON at MIMAROPA.
858 na pamilya or 3,128 katao ang nanatili sa 42 evacuation centers sa Regions III, NCR, CALABARZON at MIMAROPA.
33,119 pamilya or 142,399 katao ang pansamantalang nanunuluyan sa mga kamag anak at kaibigan sa Regions III at VI.
Nakapagpalabas na ang ahensya ng P4,291,760.00 na financial assistance sa Regions III MIMAROPA.
Nasa 500 family food packs naman ang dagdag na ayuda na ipinadala sa Bagac, Bataan para sa mga apektadong mangingisda.