NAKAHANDA NA | Groundbreaking ceremony sa rehabilitasyon ng Marawi City, itinakda sa anibersaryo ng liberation nito sa October 17

Marawi – Nakahanda na ang Task force Bangon Marawi para sa groundbreaking ceremony ng rehbilitasyon ng Marawi city na gagawin sa susunod na linggo October 17.

Sa briefing sa Malacañang ay sinabi ni Task force Bangon Marawi Chairman Secretary Eduardo del Rosario na dahil sa October 17 idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang liberation ng Marawi city ay naaayon lamang na isabay dito ang groundbreaking ceremony na hudyat ng pormal na pagsisimula ng rehabilitasyon ng Lungsod.

Ang una aniyang gagawin ay ang clearing ng mga debris sa ground Zero na pangangasiwaan naman ng Finmat Corporation.


Para naman aniya sa imprastraktura tulad ng mga kalsada, paaralan, barangay centers, convention center at grand central market ay hindi pa napapangalanan ang kumpanyang gagawa nito.

Paliwanag ni del Rosario, dadaan pa ito sa negosasyin at ang trabahong ito ay ibinigay sa National Housing Authority dahil ito ang bumuo ng bids and awards committee at technical working group na siyang sasala sa mga posibleng contractors sa rehabilitasyon.

Sinabi din naman ni del Rosario na hindi parin nagbabago ang target completion date ng marawi city rehabilitation na itinakda sa 4th Quarter ng 2021.

Facebook Comments