Manila, Philippines – Mahigit 2500 volunteer ng Philippine Red Cross ang ipoposisyon sa rutang daraanan ng mahal na poong itim na Nazareno.
Mula sila sa iba’t-ibang chapter ng Red Cross sa Metro Manila at karatig lalawigan. Nakahanda ang Red Cross na magbigay ng serbisyong medikal sa mga mahihilo, may hypertension, mga mai-sprain, o masusugatang deboto.
Nagtayo na rin ang Philippine Red Cross ng emergency medical unit sa KKK monument katabi ng Manila City Hall.
Nagpaalala rin ang Red Cross sa mga deboto ng Nazareno na paghandaan ang traslacion, kabilang sa ipinapayo ng Red Cross ang pagdadala ng candy biscuit at tubig pangiwas gutom at uhaw. Alamin din kung nasaan ang mga medical station at mga istasyon ng pulis.
Samantala, nakaantabay rin ang 103 chapters ng Philippine Red Cross sa iba’t-ibang bahagi ng bansa na magsasagawa rin ng kani-kanilang prusisyon ng mahal na poon.