NAKAHANDA NA | Seguridad sa Kamara, nakalatag na para sa ikatlong SONA ni Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Nakahanda na ang Kamara para sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte bukas.

Ayon kay House Secretary General Cesar Pareja – lahat ng security measures sa loob at labas ng Kamara ay nakalatag na.

Aniya, ang mga security personnel ng Kamara, Senado at ng Presidential Security Group ay nagpapatupad ng coordinated security measures.


Inaasahang aabot sa 3,000 ang dadalo kabilang ang foreign at local dignitaries.

Babantayan din ang kilos ng pro at anti administration groups sa bisinidad ng batasan complex.

Facebook Comments